Thank You po para sa taong nagdaan. Ang taon na maraming pagsubok at kalungkutan. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa nagdaang taon, napatunayan ko na ako pala ay malakas. May mga napag-alaman akong katangian na dati'y di ko inakalang magagawa o kakayanin ko.
Maraming salamat sa lahat ng bumuo ng taon ko. Mahal ko kayong lahat. Ang aking buhay ay di makukumpleto kung wala kayo.
Sana sa susunod pang taon na nakaabang, sana ay maging masaya ito. Isang buhay na payapa at kuntento. Yan lamang ang mahihiling ko.
Muli po, marami pong salamat sa pagkakataong ibinigay Ninyo sa akin.
Monday, October 17, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment