Bakit ba laging kontrabida?
Sa unang pagsabi pa lang sakin na hindi daw kami pinayagan alam ko ng may kampihang naganap.
1. Ate A - Nakakainis. Sya ang nagbalita saking di kami pinayagan
2. Lola A - Gatong.
3. Atty A - Ang may kapangyarihan
4. A - Ang dapat kasama
Dapat magbbike kami bukas. Activity ito para sa church na sinalihan namin. Nagbayad kami ng P150 each. Ako si A at Ate. Bale 450 ang binayad namin. Pero nagbayad kami para sa wala. Bakit? Ganito yun.
Umpisa pa lang, parang ako lang ang nagffollow up kay A na kuhanin ang jersey namin at ipaayos ang bike. Nasa Manila ako kaya hindi ko maasikaso ang mga ganung bagay. Wala. Parang wala lang sa kanya.
Usually Saturday ako umuuwi. Pero ngayon (Friday), pinilit kong umuwi dahil 6am bukas ang activity. Paguwi ko. Bandang 11:30pm na yun, sinabi sakin ni Ate A na hindi daw kami pinayagan. At dinamay pa si Lola A. Halatang may kampihan eh. At ang sinasabi pa si Atty A daw ang hindi pumayag. Duh!! Kung sya lang ang hindi pumayag at wala silang kinalaman dun, malamang edi sana pinagtanggol nila kami. At kung sya talaga ang may alam na ayaw nya kami payagan bakit biglan pati si Ate A alam na ganun ang desisyon? Halata naman eh. Pakana din nila na sabihin kay Atty A na wag kami payagan. Nakakapikon talaga. At ito namang si A, ano? Natakot na naman. Naging sunud sunuran na naman! Kaya ka walang lakas ng loob eh. Nagpapadala ka sa sasabihin nila. Diba sila din ang tumutol sayo sa pag-aaral mo sa Manila? O eh ano? Pinanghinaan ka ng loob? Wala ka sariling paa! Nakakainis! Magsama sama kayo.
Sana masaya kayo sa ginawa nyo.
Friday, October 21, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment