Monday, November 7, 2011

Accident

Today, I met another accident. And yes, kasama na naman ako dun. :(

Traumatic experience. Pangalawang beses ko na itong maaksidente.

Di ko na maalala ang nangyari bago ang aksidente pero may narinig akong malakas na tunog sabay ng pag-gewang ng aming sasakyan. Di ko alam ang nangyari pero nagulat ako. Pagtingin ko sa likod basag na ang salamin. Kinabahan ako.

Lumabas ako ng sasakyan at nagulat sa aking nakita. Malakas pala talaga ang tama sa amin. Gusto kong maiyak. Kasi swerte kami. Sa mga nangyayaring aksidente, maswerteng walang nangyayaring masama samin. Pero masama ang loob ko sa driver ng bus. Gusto ko syang murahin. Gago ka pala eh, pano kung may nasaktan samin. Di ko kayang patawarin yung walang hiyang yun kung may nasaktan samin! Si ate nauntog at nabubog. Kaya dinala pa kami sa ospital para makapagpacheck up. Ako naman, huli na ng maramdaman ang sakit sa ulo. Di ko maalala kung nauntog din ba ako, psychological lang yung nararamdaman ko o dahil lang din sa lakas ng tama kaya talagang naalog kami.

Bus Driver na bumangga sa amin pa yung maaangas kanina ng paglabas ko. Tngina mo! Gustong gusto kitang murahin! Pasalamat ka walang nasaktan samin! Tngina mo lang talaga!

Dahil sa pangalawang beses na ito at talagang natakot ako, nanginginig akong nagtext kay mama. "Ma, nabangga kami. Tawagan mo ako." Nanginginig din akong bumaba ng sasakyan.

Sa ganitong pangyayari, gusto ko talagang magpasalamat kay God. Sa tingin ko destined talaga itong mangyari sa amin, kung ano man ang purpose Nya kung bakit nangyari ito, hindi ko alam. Pero maraming nangyari na nagcause ng delay kaya nung time na yun kami dumaan sa NLEX. Una, naiwan ko cellphone ko. Pangalawa, hinatid si Mama at V sa kabilang lane (usually di na ginagawa ito). Pangatlo saktong oras lang na dumalaw ako kay D dahil nanganak na sya. Pang-apat dumaan pa kami sa DQ bago mangyari ang aksidente. Lahat ito nangyari bago ang aksidente. Normally di namin ito ginagawa pero kanina ginawa namin ito kaya sumagi sa isip ko, siguro nga destined kami na maaksidente. Destined na noong oras at araw na yun kami dumaan sa NLEX kung saan binangga kami ng bus. Pero eto, thank God! Thank God dahil destined din kami na yung Trooper ang dalang sasakyan. Imagine kung yung kotse ang dala namin na mas maliit. Di kaya mas malakas ang impact sa amin noon? Pangalawa, feeling ko destined din na di ako natutulog nung time na yun. Kasi kung tulog ako, nakasandal ako sa salamin. At malamang ako ang may pinakamalakas na untog nun. Thank You Lord. Thank You po dahil alam kong niligtas Nyo kami. Maliit na bagay. Walang nasaktan. Pero miracle po ito para sa amin. Maraming salamat Lord. Maraming salamat po.

No comments: